Isang korte sa Maynila ang nagbigay sa mga dating drug offenders ng food carts upang magamit nila sa negosyo sa kanilang muling pagbabalik sa lipunan.
Kabilang sa kwalipikasyon ng Manila Regional Trial Court branch 31 para sa mga benepisyaryo ay negative drug test results.
Pinondohan ni Judge Maria Sophia Tirol Taylor ang proyekto mula sa mga suporta at donasyon ng kanyang mga kamag-anak at kaibigan.
Naniniwala si Taylor na hindi sapat ang counselling at paglalagay sa in-house rehabilitation para sa dating drug offenders, dahil kung galing sila sa poorest of the poor, dapat ay bigyan sila ng pagkakataong magbagong buhay sa pamamagitan ng livelihood packages.