Korte, pinagbigyan ang inihaing preliminary injuction ng Taguig LGU para magamit ang mga pasilidad sa EMBO barangays

dzme1530.ph

Korte, pinagbigyan ang inihaing preliminary injuction ng Taguig LGU para magamit ang mga pasilidad sa EMBO barangays

Loading

Kinatigan ng Taguig City Regional Trial Court Branch 153 ang inihaing Writ of Preliminary Injunction ng Taguig City Local Government Unit sa paggamit ng mga pasilidad sa EMBO Barangays kasunod ng pinalawig na temporary restraining order  (TRO) pabor sa Taguig.

Sa pitong (7) pahinang ruling ng Korte nitong May 22 pinagbawalan ang Makati City Government at mga kinatawan nito na ma-access ang government properties at mga pasilidad sa EMBO Barangay kabilang ang health centers, covered courts, daycare centers at iba pang pangunahing pasilidad.

Kung saan, tanging Taguig LGU lamang ang pwedeng mangasiwa at mamahala sa mga nabanggit na pasilidad upang patuloy na makapagbigay ng serbisyo sa mga residente.

Pinasalamatan naman ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang desisyon ng korte, upang tuloy-tuloy na maserbisyuhan ng Taguig LGU ang mga mamamayan ng EMBO.

 

About The Author