dzme1530.ph

Korte ipinag-utos ang pagkansela ng pasaporte nina dating PCSO GM Royina Garma at apat na iba pa

Loading

Inatasan ng korte sa Mandaluyong ang Department of Foreign Affairs (DFA) na kanselahin ang passports ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma at dating Police Commissioner Edilberto De Leon.

Kaugnay ito ng pagpaslang kay PCSO Board Secretary Wesley Barayuga noong 2020 sa Mandaluyong City.

Batay sa kautusang may petsang Oktubre 15, ipinag-utos din ng Regional Trial Court ang pagkansela ng passports nina Santie Mendoza, Nelson Mariano, at Jeremy Causapin, na pawang nahaharap sa mga kasong murder at frustrated murder.

Nakasaad din sa utos ng korte na lahat ng mga akusado, maliban kina Mendoza at Mariano, ay kasalukuyang nagtatago sa batas.

Noong nakaraang buwan, umalis patungong Malaysia si Garma, isang araw matapos itong dumating sa bansa makaraang tanggihan ng Estados Unidos ang kanyang aplikasyon para sa asylum.

About The Author