Lubhang mas malaki ang korapsyon sa flood control projects kumpara sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam na kinasangkutan ni Janet Lim Napoles mahigit isang dekada na ang nakalipas, ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon.
Kasabay nito, binigyang-diin ni Dizon na kailangang managot ang bawat indibidwal na sangkot sa maanomalyang mga proyekto, na tinawag niyang corruption syndicate.
Aminado si Dizon na nalula siya sa talamak na korapsyon na nakita sa loob ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Dagdag pa nito, mahirap at matatagalan bago tuluyang malinis ang ahensya.
Idinagdag ng kalihim na hindi niya kakayaning mag-isa ang hamon, kaya kailangan niya ang tulong ng iba upang malutas ang problema na tumagal na ng ilang dekada.