dzme1530.ph

Koran teacher na umano’y nanggahasa ng 27 babaeng estudyante sa Senegal, arestado!

Arestado ang isang Koran teacher matapos umano’y manggahasa ng 27 babaeng estudyante sa isang paaralan sa Holy City ng Touba, Central Senegal.

Ayon sa local police official, agad na nagtago ang naturang guro matapos umugong ang mga akusayon ng pamomolestiya sa kanyang mga estudyante na pawang mga menor de edad o may edad 15 anyos pababa.

Base sa complaint na ipinasa sa mga otoridad, nagsimulang kumalat ang insidente nang bigla na lamang tumangging pumasok ang mga bata sa paaralan dahil anila’y labag sa Islamic teachings ang magkaroon ng sexual relation sa guro habang mayroon din siya sa iba pang babae.

Samantala neto lamang Lunes ay kusang loob na sumuko ang suspek sa mga otoridad at kaagad itong dinala sa gendarmerie.

Habang ang Quranic school kung saan nagtuturo ang akusado ay pansamantala munang ipinasara. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author