dzme1530.ph

Kontribusyon ni dating UN Sec. Gen. Ban Ki-Moon sa global diplomacy, kinilala ng Senado

Inaprubahan ng Senado ang Senate Resolution 929 na kumikilala sa naging kontribusyon ni dating United Nations (UN) Secretary General Ban Ki-Moon sa global diplomacy, peacekeeping efforts at sustainable development.

Ginawa ng mga senador ang approbal sa harapan mismo ni Ban na bumisita sa Senado.

Kasabay nito, inadopt na rin ng Senado ang Senate Resolution 936 o ang pagsang-ayon ng Senado sa ratipikasyon ng kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at ng Global Green Growth Institute kung saan nagsisilbi ngayong assembly president at council chairman ang dating UN Sec Gen.

Ang GGGI ay isang international organization na nagtataguyod ng sustainable economic growth sa mga developing countries.

Sa kanyang speech, binigyang diin ni Ban Ki-Moon ang mga kailangang gawin para makamit ang 17 sustainable goals bago ang 2030 target deadline date gayundin para matupad ang mgas itinatakda sa Paris Climate Change Agreement.

Umaasa rin siya nang mas lalalim at malawak na relasyon ng ating mga bansa.

About The Author