dzme1530.ph

Kontra Daya, naghain ng disqualification case laban sa Vendors Party-list

Loading

Sinampahan ng reklamo ng poll watchdog na Kontra Daya ang Vendors Party-list sa Comelec dahil ang mga nominee nito ay hindi umano kumakatawan sa marginalized sector.

Sinabi ni Kontra Daya Convenor Danilo Araw na naghain sila ng petisyon para i-disqualify ang Vendors Party-list matapos mapag-alaman na ang Top 3 nominees ng grupo ay hindi talaga mga vendor.

Idinagdag ni Araw na malaking pangungutya sa batas, partikular sa Party-list System Act of 1995, na magkaroon ng mga party-list na gaya nito.

Nag-ugat ang reklamo mula sa ginawang pag-aaral ng Kontra Daya kamakailan, kung saan lumitaw na 55.13% o 86 mula sa 156 party-list groups na naghahangad ng pwesto sa Kamara para sa Halalan 2025 ay hindi kumakatawan sa mahihirap o underrepresented.

About The Author