dzme1530.ph

Konsyerto sa Palasyo, muling idaraos sa linggo para sa mga atletang Pilipino

Muling idaraos ang konsyerto sa Palasyo ngayong weekend para sa mga atletang Pilipino.

Sa araw ng linggo, Agosto a-6, ganap na alas-6:30 ng gabi ay magtatanghal ang mga Pinoy artists na sina Chloe Redondo, Emman Buñao, Jopper Ril, Kevin Traqueña.

Itatampok din ang beatbox artists na sina Adrian “Ad Beat” Ferrer at Neil Rey Llanes, habang may special performances din sina Aivan Mendoza at acapella group na Pinopela, at ang Douglas Nierras Powerdance.

Mahigit 300 atleta mula sa iba’t ibang larangan ang darating sa kalayaan grounds sa Malakanyang para panuoring ang panibagong edisyon ng konsyerto.

Ie-ere rin ito ng live sa Facebook page ng konsyerto sa Palasyo at Radio Television Malacañang. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author