dzme1530.ph

Konsyerto sa Palasyo, idinaos para sa mga atletang Pilipino

Naging matagumpay ang muling pagdaraos ng konsyerto sa Palasyo, na inihandog para sa mga atletang Pilipino.

Dinaluhan mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang konsyerto kagabi sa Malacañang grounds, kasama sina First Lady Liza Araneta-Marcos, Presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, at Executive Sec. Lucas Bersamin.

Dumalo rin sina Senador Manny Pacquiao, Tourism Sec. Christina Frasco, Trade Sec. Alfredo Pascual, Transportation Sec. Jaime Bautista, at iba pang opisyal.

Mahigit 300 atleta mula sa iba’t ibang larangan ang nakiisa at nanuod sa panibagong edisyon ng konsyerto.

Samantala, sa sidelines ng concert ay niregaluhan ng Philippine Women’s Football team ang Pangulo ng customized jersey at football, kasunod ng kanilang makasaysayang paglahok sa FIFA Women’s World Cup. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author