Nagbukas ng linya ang Philippine Consulate General sa Hong Kong para sa OFWs na may mga suliranin.
Sa harap ito ng dalawang insidente ng pinaniniwalaang suicide ng 2 OFWs doon.
Partikular ang dalawang Pinay na magkasunod na natagpuang nakalutang at wala nang buhay sa pier sa Hong Kong.
Sinasabing kapwa may problemang pinansyal ang dalawang Pinay workers.
Ayon sa Philippine Consulate, bukod sa kanila, may ilang mga organisasyon din sa Hong Kong na handang magbigay payo at tumulong upang malampasan ang mga kinakaharap na problema.
Maari rin silang tumawag sa Migrant Workers Office ng OWWA sa Hong Kong –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News