dzme1530.ph

Konstruksyon ng farm-to-market roads, pangangasiwaan na ng DA mula sa DPWH simula sa susunod na taon

Loading

Pangangasiwaan na ng Department of Agriculture (DA) ang development at construction ng farm-to-market roads (FMRs) mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) simula sa 2026.

Sa isang pahayag, inihayag ng DA na sa pamamagitan ng naturang hakbang ay mas matututukan ang agricultural lifelines at matitiyak na bawat kilometro ay direktang nakasuporta sa farming communities.

Kahapon ay nagpulong sina Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at Public Works Secretary Vince Dizon para rebisahin ang audits ng mga nakalipas na FMR projects at malaman kung may mga nakompromiso.

Pinag-usapan din ng dalawang kalihim ang mga pending projects na itinakda ngayong 2025, na ayon kay Tiu Laurel ay kailangang-kailangan ng mga magsasaka at mangingisda.

Sa bahagi naman ni Dizon, sinabi nito na nasa isanlibong kilometro pa ng FMRs ang kailangang itayo ngayong 2025.

About The Author