Inihayag ng Malakanyang na positibo ang Kongreso na maipapasa nito ang 20 priority legislations na hiniling ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bago matapos ang taon.
Sa 3rd Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting sa Malakanyang na pinangunahan ng Pangulo, inihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na halos kalahati ng 20 priority legislations ay natapos na ng Senado.
Sa mga susunod na linggo umano ay inaasahang lalagdaan na ito ng Pangulo para maging ganap na batas.
Sa panig naman ng Kamara, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na 18 sa 20 priority bills ay aprubado na ng mababang kapulungan.
Tiniyak din ng house leader na tatapusin nila ang lahat ng priority legislations kabilang ang General Appropriations Bill (GAB), bago sila mag-Christmas break.
Bukod sa GAA, ilan pa sa priority bills ay ang Medical Reserve Corps Act, Virology Institute Act, Ease of Paying Taxes, Magna Carta for Seafarers, Anti-Agriculture Smuggling Act, E-Governance Act, New Philippine Passport Act, National Gov’t Rightsizing Act, National Citizens Service Training Program Act, at Military and Uniformed Personnel Pension System Act. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News