Inaprubahan ng Kongreso ang pagpasa ngayong taon ng 20 legislative measures.
Ito ay sa ikalawang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) full meeting na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kabilang sa mga inaprubahang panukala sa LEDAC ay ang amendments sa BOT LAW o PPP Bill, national disease prevention management authority, Internet Transactions Act/E-Commerce Law, Health Emergency Auxiliary Reinforcement Team (HEART) Act, Virology Institute of the Philippines Bill, Mandatory ROTC at NSTP, Revitalizing the Salt Industry, Valuation Reform, E-Government/E-Governance, at Ease of Paying Taxes.
Kasama rin ang National Government Rightsizing Program, Unified System of Separation/Retirement and Pension of MUPs, LGU Income Classification, Waste-to-Energy Bill, New Philippine Passport Act, magna Carta of Filipino Seafarers, National Employment Action Plan, Amendments to the Anti-Agricultural Smuggling Act, Bank Deposit Secrecy, at Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) Bills.
18 sa mga ito ay kasama sa 42 legislative measures na inaprubahan sa unang LEDAC meeting noong Oktubre 2022.
Bukod sa Pangulo, dumalo rin sa LEDAC meeting sina Senate President Juan Miguel Zubiri, House Speaker Martin Romualdez, Executive Sec. Lucas bersamin, at mga miyembro ng gabinete. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News