dzme1530.ph

Kongreso, hinimok na tutukan ang isyu ng reclamation sa bansa

Loading

Iginiit ni Sen. Erwin Tulfo na kailangang pagtulungan ng Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang pagbusisi sa isyu ng reclamation, na isa sa mga itinuturong sanhi ng malawakang pagbaha.

Sinabi ni Tulfo na sa tingin niya ay hindi napag-aralang mabuti ang mga ginagawang reclamation, kaya kailangan itong ayusin.

Binigyang-diin pa ng senador ang pangangailangang gumawa ng maayos na drainage system o daluyan ng tubig.

Kabilang na aniya rito ang paglilinis sa Manila Bay at paggawa ng daluyan ng tubig palabas ng karagatan.

Ipinaliwanag ni Tulfo na dahil sa climate change, patindi nang patindi ang nararanasang pag-ulan kaya kailangan na ng totoong flood control projects sa bansa.

Umaasa naman si Tulfo na mababanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address ang konkretong solusyon sa baha.

About The Author