Plano ng Kongreso na bumuo ng Endowment Fund sa ilalim ng pangalan ni Secretary Toots Ople.
Kinumpirma ito ni Senate President Juan Miguel Zubiri matapos ang pagbisita nila sa lamay ng Department of Migrant Workers Secretary.
Ayon kay Zubiri, ang pondong maiipon ay ibibigay sa mahihirap na pasyenteng may cancer para magamit sa kanilang pagpapagamot.
Ipinaliwanag ng Senate President na ito ang pangarap ng pumanaw na kalihim makaraang maranasan kung gaano kamahal ang cancer treatment.
Pangungunahan aniya ng Senado ang pondo at maging si House Speaker Martin Romualdez ay sumang-ayon na dito.
Sinabi ng senador na sa ngayon ay pinag-aaralan pa nila kung ilalagay ang pondo sa ilalim ng DOH o sa ilalim ng specialty hospitals gaya ng Philippine General Hospital.
Ikinukunsidera aniya nila na maglaan ng P100-M bilang start up fund para sa Cancer Endowment Fund. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News