dzme1530.ph

Kongresista, iminungkahing bilhin ang basura sa halagang ₱10 kada kilo

Loading

Iminungkahi ni House Committee on Metro Manila Development Chairperson Dean Asistio na bilhin ng ₱10 kada kilo ang mga basura upang mahikayat ang publiko na maging responsable sa tamang pagtatapon.

Paliwanag ng mambabatas mula Caloocan, alinsunod ito sa ihahaing city ordinance kung saan bibilhin ng mga lokal na pamahalaan ang basura ng mga residente, lalo na sa mga lugar na malapit sa ilog at waterways.

Giit ni Asistio, ang pagbabayad para sa basura ay makakatulong para mabawasan ang tambak at maiwasan ang pagbaha tuwing may kalamidad.

Binigyang-diin din ng kongresista na hindi kalikasan ang sanhi ng pagbaha sa Metro Manila kundi ang kawalan ng disiplina ng publiko sa tamang pagtatapon ng basura.