Ang Hashimoto disease o chronic lymphocytic thyroiditis ay walang lunas.
Batay sa paliwanag ng mga eksperto, ang autoimmune disorder na ito ay banta sa immune system at thyroid na humahantong sa hypothyroidism na sanhi ng pagkakaroon ng Hashimoto’s disease.
Ayon sa Department of Health and Human Services, posibleng sanhi ng pagkakaroon ng problema sa thyroid ang labis na paggawa ng glandula ng hormone na responsable sa pag-regulate ng metabolismo.
Ang ilan sa mga sintomas nito ay ang mabilis na tibok ng puso, pagbaba ng timbang at pagkabalisa.
Maaari naman itong maagapan sa pamamagitan ng pagkonsumo ng mga whole-grain na pagkain tulad ng cereal, tinapay, at pasta, maging ang mga prutas na mayaman sa fiber
Pero payo ng mga eksperto, kung nakararanas ng ilan sa mga nabanggit na sintomas ay magpakonsulta agad sa doktor. –sa panulat ni Mary Pascual