Dapat makipagtulungan ang komunidad para sa ikadarakip ni Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy, may kapalit man itong pabuya o wala.
Ito ang inihayag ng Dep’t of Justice sa harap ng pag-kwestyon ng kampo ni Quiboloy sa ₱10-M patong sa kanyang ulo, na nanggaling sa ilang pribadong indibidwal.
Ayon kay Justice Usec. Jesse Hermogenes Andres, ang komunidad ay isang mahalagang haligi ng Criminal Justice System, at ang lahat umano ng humaharang sa paghuli kay quiboloy ay maituturing na Guilty sa Obstruction of Justice.
Kaugnay dito, sinabi ni Andres na dapat makipagtulungan sa mga awtoridad ang sinumang may alam sa kinaroroonan ng pastor, may pabuya man o wala.
Ito ay upang mabigyan na rin umano ng pagkakataon si Quiboloy na linisin ang kanyang pangalan sa korte, at tinitiyak ng DOJ ang due process alinsunod sa Saligang Batas.