dzme1530.ph

KOJC, humirit sa Davao court na maglabas ng show-cause order laban sa DILG Chief at sa PNP

Hiniling ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Korte sa Davao na maglabas ng show-cause order laban kina Interior and Local Sec. Benhur Abalos at PNP Chief Police General Rommel Marbil.

Naghain ang legal team ng religious group ng manifesto na may kasamang mosyon para pagpaliwanagin ang mga respondent kung bakit hindi sila mapatawan ng contempt ng Davao City Regional Trial Court Branch 15.

Kasunod ito ng pananatili pa rin ng mga pulis sa compound ng KOJC, sa kabila ng inilabas na Temporary Protection Order ng Korte, pabor sa religious group.

Inatasan ng Davao court ang PNP na itigil ang mga hakbang na maaring magdulot ng peligro sa kaligtasan at seguridad ng mga miyembro ng KOJC. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author