![]()
Lumago ng halos 50% ang investment income ng Pag-IBIG Fund sa 9.43 billion pesos noong 2025.
Ayon sa ahensya, pumalo ang kanilang total assets sa record na 1.23 trillion pesos.
Inihayag ng state-run mutual fund, na nagbibigay ng housing loans at savings program, na umakyat ng 41% year-on-year ang kanilang gross investment portfolio sa 190 billion pesos.
Malaking bahagi ng pondo ay inilagay sa government securities, corporate bonds, at time deposits.
