dzme1530.ph

KITA NG GOBYERNO SA PAG-ABOLISH NG TRAVEL TAX, AABOT NG P22 BILYON

Loading

Posibleng umabot sa P22 billion ang kitain ng gobyerno bawat taon sa planong pag-abolish sa travel tax na inisulong ni House Majority Floor Leader Sandro Marcos. 

 

‘Yan ang pagtaya ni Ways and Means Panel Chairman Miro Quimbo, malayo sa P7.5-B na kinikita ng gobyerno mula sa travel tax taun-taon. 

 

Ang House Bill 7443 ni Marcos na kabilang sa LEDAC-Common Legislative Agenda, aalisin na ang P1,620 levy sa economy-class passengers at P2,700 para sa first-class travelers. 

 

Ayon kay Quimbo, kapag tinanggal ang P1,620 na katumbas ng 20% sa plane fare, mas maraming Pilipino ang makakabyahe, kaya mas lalaki rin ang kita ng mga travel agency at airline companies. 

 

Pilipinas na rin lang ang naniningil ng tax sa outbound travel sa buong ASEAN. 

 

Paliwanag pa ni Quimbo, bagaman at may mawawalang revenue sa pagtanggal sa travel tax, pero sa loob ng labing walong buwan mababawi na agad ito at sobra-sobra pa.

About The Author