Inirekomenda ng Bureau of Customs (BOC) ang pagdo-donate sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng nasamsam na 42,000 sako ng bigas sa Port of Zamboanga City.
Ayon kay BOC Port of Zamboanga Chief Benny Lontok, isinumite na ang hiling sa BOC Central Office sa Maynila, at naghihintay na sila ng pag-apruba nina Customs Commissioner Bienvenido Rubio at Finance Sec. Benjamin Diokno.
Sinabi pa ni Lontok na bukod sa mga programa ng DSWD, pinag-uusapan ding i-donate ang bigas sa Kadiwa ng Pangulo.
Matatandaang kinumpiska ng customs ang P42-M na halaga ng hinihinalang smuggled na bigas, bilang bahagi ng pagpapalakas ng mga hakbang laban sa smugglers at hoarders, alinsunod sa Executive Order 39 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News