dzme1530.ph

Kinita ng bansa sa exports, tumaas ng mahigit 9% noong Enero

Ikinatuwa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang gumandang performance ng exports noong Enero.

Ayon sa DTI, lumobo ng 9.1% ang kinita sa exports ng bansa, kabaliktaran ng 0.5% na pagbaba noong December 2023 at 10.6% noong January 2023.

Samantala, bumaba pa sa 7.6% ang imports noong Enero mula sa 3.5% na naitala noong Disyembre ng nakaraang taon.

Sinabi ni DTI Officer-in-Charge Ceferino Rodolfo, na umangat ang exports sa tulong ng electronic sector.

About The Author