dzme1530.ph

Key-witness sa kaso laban kay Quiboloy, sasailalim sa WPP

Sasailalim sa Witness Protection Program (WPP) ang isang key-witness sa kasong child-abuse laban sa puganteng si Pastor Apollo Quiboloy, ayon sa Department of Justice.

Dahil sa mga nakikitang banta sa buhay ng nasabing saksi, kinakailangang siguraduhin ang kaniyang kaligtasan, ayon kay Justice Undersecretary Nicholas Felix-Ty.

Matatandaang naglabas ang Davao City Court, ng arrest warrant laban kay Quiboloy dahil sa kasong child and sexual abuse, habang isa ring warrant mula sa Pasig City Court ang naihain sa pastor.

Samantala, nakatakda namang maghain ng motion for consideration ang abogado ng kampo ni Quiboloy, kaugnay sa arrest warrant na inisyu ng pasig court para sa non-bailable offense of qualified human trafficking.

 

—sa panulat ni Judea Bernardo

About The Author