dzme1530.ph

KC-135 aircraft ng Amerika, inaasahang darating sa bansa para maghatid ng HADR equipment

Loading

Inaasahang darating sa Pilipinas ang isang KC-135 military aircraft ng Estados Unidos upang maghatid ng Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) equipment, sa gitna ng patuloy na pananalasa ng habagat at bagyong Emong.

Kinumpirma ito ni Philippine Air Force Deputy Spokesperson Maj. Joseph Calma, na nagsabing kasalukuyang nasa Japan ang naturang eroplano at naghihintay na lamang ng clearance upang makalipad patungong Clark Airbase sa Pampanga.

Dagdag pa ni Calma, wala pa silang kumpirmasyon kung mananatili sa bansa ang KC-135 matapos maihatid ang mga kagamitan.

Una nang inihayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang pagpapatuloy ng joint efforts ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at US Indo-Pacific Command bilang tugon sa panawagang tulong sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Bahagi rin ng paghahanda ang paggamit ng siyam na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa iba’t ibang bahagi ng bansa bilang multi-role venues para sa relief at rescue operations.

About The Author