dzme1530.ph

Kaunting bilang ng Islamic Banking Unit, nais pang paramihin ng BSP

Aprubado na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang bagong minimum capitalization requirement para sa mga conventional bank na may Islamic Banking Unit (IBU).

Ayon sa BSP Circular No. 1173, series of 2023, ang kapital na kailangan ng mga kwalipikadong bangko upang makapagbukas ng IBU sa ilalim ng five-year transitory period ay nakabase sa kasalukuyan nitong bank category at hindi ang required capital ng mga universal bank.

Layunin ng BSP na paramihin ang mga bangko sa bansa na mayroong IBU at palawakin ang access ng mga kapatid nating Muslim sa mga serbisyo at produktong pampinansyal na sumusunod sa Shari’ah o ang banal na batas ng Islam.

Para sa mga hindi Muslim, isa itong alternatibo sa mga serbisyo at produkto ng mga conventional bank. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author