Pormal nang binuksan ngayong Lunes ang kauna-unahang Amphibious Exercise sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Australian Defense Force (ADF).
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Lt. Col. Enrico Gil Ileto, ang maneuvers na kilala rin sa tawag na “Exercise Alon 2023” ay bahagi ng Indo-Pacific Endeavor (IPE) ngayong taon.
Sinabi ni Ileto na ang IPE23 ay flagship international engagement activity ng Australia sa Southeast Asia at Indian Ocean Region.
Layunin ng IPE na i-promote ang security, stability, at mas matibay na partnership sa pamamagitan ng bilateral at multilateral engagement training, capacity building at humanitarian efforts. –sa panulat ni Lea Soriano