dzme1530.ph

Katya Santos, pinagsisihan ang pagpapakasal

Pinagsisisihan ng sexy actress na si Katya Santos ang pagpapakasal sa extranged husband na si Anton delos Reyes.

Diretsahang sinabi ni Katya na hindi niya lubusang naintindihan ang pinasok na commitment at masyadong niyang na-romanticize ang ideya ng pagpapakasal.

Aniya akala niya na ang marriage ay isang fairytale but it really is a nightmare.

Amindao ang sexy star na inakala niyang magiging maganda rin ang takbo ng buhay pag-aasawa niya dahil maganda naman at normal ang marriage life ng kanyang mga kapatid at magulang.

Kung kaya payo ni Katya sa mga gusto nang mag settle down, kilalanin munang maigi ang taong papakasalan kasi iba ang lalaking makakasama niyo 24/7 sa bahay, lalabas lang aniya ang tunay na ugali kapag nagsasama na sa iisang bubong.

Matatandaang si Katya ay isa sa mga pioneer ng Viva Hot Babes at ngayo’y mentor sa Vivamax sexy reality show na Pantaxa Laiya. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author