dzme1530.ph

Katiwalian sa BIR, pinaiimbestigahan sa Senado

Loading

Inihain ni Sen. Erwin Tulfo ang Senate Resolution 180 na nananawagan ng imbestigasyon sa pang-aabuso ng mga tauhan at opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa paggamit ng letter of authority sa pananakot at pangingikil sa ilang mga negosyante sa bansa.

Ayon kay Tulfo, marami silang natatanggap na sumbong mula sa mga negosyante tungkol sa paulit-ulit na pambibiktima ng ilang opisyal ng BIR.

Inihayag ng senador na habang abala ang Senado sa pag-iimbestiga sa katiwalian sa flood control projects, abala rin ang ilang kawani at opisyal ng BIR sa katiwalian gamit ang LOA.

Balak ipatawag at pagpaliwanagin ng Senado ang ilang kawani ng BIR, kabilang ang mga examiners, regional directors, at maging ang dating Commissioner ng BIR na si Romeo Lumagui Jr.

Sinabi pa ni Tulfo na hindi lamang korporasyon, kundi maging ang family business at maliliit na negosyo ay binibiktima rin ng mga tiwaling tauhan ng BIR gamit ang LOA.

About The Author