dzme1530.ph

Kasunduan sa posibleng pagho-host ng Pilipinas sa mga hearing ng PCA, inilatag sa Pangulo

Inilatag kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kasunduan para sa posibleng pagho-host ng Pilipinas sa mga hearing ng Permanent Court of Arbitration.

Sa courtesy call sa Malacañang, ipinabatid ni PCA Secretary General Dr. Marcin Czepelak ang interes sa pagbuo ng Host Country Agreement, para sa pagdaraos ng kanilang mga pagdinig sa Pilipinas.

Ang PCA ang naglabas ng 2016 arbitral ruling na nag-deklarang pag-aari ng Pilipinas ang mga islang inaangkin ng China sa West Philippine Sea.

Samantala, kapwa pinagtibay naman ng Pangulo at ng PCA official ang commitment sa pagtataguyod ng international law, partikular sa Indo-Pacific Region.

Kasabay ng ika-125 anibersaryo ng PCA ay tinitiyak din ni Marcos ang patuloy na pag-suporta ng Pilipinas sa mapayapang pag-resolba sa mga sigalot at pagtitiyak ng kaayusan sa rehiyon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author