dzme1530.ph

Kasunduan sa pag-waive ng visa requirements sa diplomatic at special passport holders, sinelyuhan ng PH at Qatar

Waived o hindi na oobligahin ang pagkuha ng visa para sa holders ng diplomatic at special passports, sa pagitan ng Pilipinas at Qatar.

Matapos ang bilateral meeting sa Malacañang nina Qatari Amir Sheikh Tamim Bin Hamad Al Thani at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., iprinisenta ang agreement kung saan ang Filipino o Qatari nationals na may diplomatic, special, o official passports ay hindi na obligadong kumuha ng visa, para sa official mission sa magkabilang-bansa.

Gayunman, limitado lamang ito sa loob ng 30-araw na pananatili sa anumang bansa.

Bukod dito, kina-kailangan pa rin ang visa para sa mga Pinoy na holder ng regular o ordinary passports.

Mababatid na sa bilateral meeting ay kapwa isinulong ng dalawang lider ang mas matatag pang kolaborasyon sa gov’t-to-gov’t at people-to-people level.

About The Author