dzme1530.ph

Kastanyas, epektibo nga bang panlaban sa hypertension?

Ang kastansyas o chestnuts ay mayaman sa carbohydrates, dietary fiber, tubig at magandang mapagkukunan ng vitamin B6, riboflavin, copper, manganese at antioxidants, gaya ng phenolic compound at flavonoids.

Sagana rin ito sa potassium na nakatutulong mabawasan ang panganib ng hypertension o altapresyon.

Sa paliwanag ng eksperto, nagsisilbing vasodilator ang potassium na katuwang upang mapalaki ang blood vessels para matiyak ang maayos na sirkulasyon ng dugo sa buong katawan.

Lumabas din sa pag-aaral, ang diet na mataas sa naturang mineral ay may positibong epekto sa pagpababa ng banta sa heart ailments at stroke. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author