![]()
Posibleng sa susunod na buwan ay maihain na ng Ombudsman ang kasong plunder laban kina dating House Speaker Martin Romualdez at Senador Francis Chiz Escudero.
Ito ang inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla kaugnay pa rin sa sinasabing anomalya sa flood control projects.
Sinabi ni Remulla na malinaw na nagkaroon ng sabwatan kaya’t naisakatuparan ang mga proyekto.
Batay anya ito sa pagsusuri nila sa 2024 at 2025 national budget.
Bukod kina Romualdez at Escudero, kasama rin sa ihahaing kaso ang ilang opisyal ng Department of Budget and Management.
