dzme1530.ph

Kasong perjury at disobedience to summon, ikinakasa na ng Senado laban kay Alice Guo

Isinasapinal na ng Senado ang mga kasong perjury at disobedience to summons na ihahain laban kay dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, patuloy ang pakikipag-ugnayan niya kay Senate Sec. Renato Bantug para sa paghahain ng kaso anumang araw.

Sinabi anya ni Bantug na pinaplantsa na lamang ang mga detalye sa isasampang reklamo.

Nilinaw naman ng senador na maaaring magpiyansa si Guo sa mga kasong ito subalit maaaring gamitin upang hilingin ng Senado sa Korte na magpalabas na ng hold departure oder laban sa sinibak na alkalde.

Una nang sinabi ni Senate President Francis Escudero na titiyakin nilang matibay ang kasong kanilang ihahain upang hindi maibasura ng korte na magiging dagdag kahihiyan sa panig ng gobyerno. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author