Bumaba ang bilang ng mga kaso ng online scam noong nakaraang buwan.
Sa datos ng Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police (PNP-ACG), nasa 421 cases na lamang ng panloloko online ang na-i-ulat nitong Enero mula sa 1,045 cases na naitala noong January 2023.
Ini-uugnay ni PNP-ACG Dir. Major Gen. Sidney Hernia ang mababang bilang sa pagbabago ng diskarte ng PNP sa Cybercrime.
Sinimulan ito ng ahensya sa pagha-hire ng mas maraming I.T experts at paghahasa sa kaalaman nito sa pamamagitan ng mga seminar at training program.
Una nang nangako si PNP Chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. na palalakasin nito ang operation and investigative capabilities ng ahensya kung saan, bahagi nito ang pagtatayo ng Cybercrime desks sa lahat ng Police Stations sa buong bansa.