dzme1530.ph

KASO NI SUSPENDED CONG. KIKO BARZAGA, MULING BUBUKSAN SA FEB. 3

Loading

Sa February 3, muling bubuksan ng House Committee on Ethics and Privileges ang kaso ni suspended Cavite Rep. Francisco “Meow Meow” Barzaga. 

 

Kinumpirma ni 4Ps Party List Rep. JC Abalos, na Chairman ng Komite, personal na inihatid at tinanggap kahapon sa tanggapan ni Barzaga ang abiso o notice para ito ay dumalo. 

 

Umaasa si Abalos na dadalo si Barzaga sa itinakdang hearing. 

 

Siniguro din ni Abalos na ipagkakaloob ng komite base sa kanilang panuntunan ang ‘due process’ kay Barzaga. 

 

Sa sesyon noong Martes January 27, inaprubahan ng plenaryo ang mosyon ni 1-Rider Rep. Rodge Gutierrez, para magdaos muli ng pagdinig ang ethics panel at isalang si Barzaga. 

 

Una nito nag-privilege speech si Manila Cong. Rolando Valeriano at inungkat ang paninira ni Barzaga sa mga Kongresistang kasapi ng NUP, at ang panglalait nito sa namayapa nang Kongresista ng Antipolo City na si Cong. Romeo Acop.

About The Author