dzme1530.ph

Kaso ng teenage pregnancy noong 2023, bumaba

Nananatili pa ring alalahanin ang mga kaso ng teenage pregnancy bagama’t bumaba na ito noong nakaraang taon.

Ayon sa Davao City Population Office, nabatid na mayroong halos 2,737 kaso ng adolescent pregnancy sa Davao City noong 2023.

Mas mababa ito ng 18.78% kaysa sa 3,135 kaso na naitala noong 2022.

Sinabi ni Population Office Head Jerrielyn Lewis, Head ng Population Office, nais nilang paigtingin ang kanilang inisyatiba sa pagtuturo sa kabataan hinggil sa mga disadvantage ng pagbubuntis ng maaga.

Kabilang sa mga programang nais nilang gawin ay pagsasagawa ng seminar, forum, at discussion hinggil sa Sex Education.

About The Author