dzme1530.ph

Kaso ng Pertussis, tumaas din sa CALABARZON, Central Visayas, at iba pang rehiyon ayon sa DOH

Tumaas ang kaso ng Pertussis o Tuspirina sa halos sampung rehiyon sa bansa at hindi lamang sa National Capital Region.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni Department of Health (DOH) Undersecretary Eric Tayag na sa kabuuang 453 na napaulat na kaso ng Pertussis ngayong taon, 167 ang kumpirmado at 38 sa mga ito ay nagmula sa Metro Manila.

Sinusundan umano ito ng Region 4A CALABARZON, at Central Visayas.

Gayunman, sinabi ni tayag na sa ngayon ay tumigil na ang pagtaas ng kaso ng whooping cough sa NCR ‘di tulad sa inaasahan.

Kaugnay dito, muling hinikayat ng DOH ang publiko na magpa-bakuna laban sa Pertussis, at hinimok din nito ang health centers na manatiling bukas kahit ngayong Semana Santa, bilang sakripisyo sa harap ng paghahabol sa vaccination program.

About The Author