Kinumpirma ni Health Secretary Ted Herbosa na kontrolado na ang sakit na pertussis o whooping cough sa bansa kahit may ilang lugar ang nagdeklara ng outbreak.
Sa panayam sa Senado, sinabi ni Herbosa na nagpa-plateau o hindi na tumataas ang bilang ng kaso ng sakit sa bansa.
Sa kabila nito, hindi pa rin aniya kampante ang DOH at patuloy silanng nakabantay sa pagkalat o pagtaas ng bilang ng sakit.
Idinagdag ng kalihim na mayroon silan g regional epidemiology surveillance unit na nagmomonitor sa buong bansa.
Pinawi ni Herbosa ang pangamba lalo na ang mga magulang kasabay ng pagtiyak na mayroong bakuna ang ahensya para rito.
Kaugnay nito, hinikayat ni Herbosa ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak partikular ang mga nasa zero to five years old upang makaiwas sa naturang sakit.