dzme1530.ph

KASO NG PAGPASLANG SA POLICEWOMAN AT SA ANAK NITO, SARADO NA, AYON SA DILG

Loading

Tinukoy ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang car dealer at partner nito ang nasa likod ng pagpaslang kay police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido at sa walong taong gulang na anak nito na sa John Ismael.

 

Sa press conference, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na ikinu-konsidera ding suspects sa kaso ang kapatid na babae ng partner ng car agent, at isa pang kasabwat.

 

Aniya, tinitingnan pa rin ang posibilidad kung may kinalaman sa krimen ang asawa ni Diane na si Police Senior Master Sergeant John Mollenido, na itinuturing bilang person of interest.

 

Idinagdag ng kalihim na batay sa kanilang imbestigasyon, considered case closed na ito, at magsasampa na sila ng mga kaso.

 

Natuklasan ng mga imbestigador na nag-ugat ang pamamaslang sa nabigong transaksyon sa sasakyan na  nagkakahalaga ng ₱450,000.

About The Author