dzme1530.ph

Kaso ng mga nawawalang sabungero, posibleng ibasura lamang

Posibleng ibasura lamang ang isa sa mga kaso ng missing sabungero na nakabinbin ngayon sa Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, kakulangan sa panahon at ebidensiya ang nakikita nilang dahilan upang mabasura ang kaso.

Paliwanag ng kalihim, panahon ang kanilang kalaban sa sitwasyong ito depende kung gaano katagal ang igagawad na palugit ng mga piskalya bago maghain ng kaso at kung wala aniya silang maihahaing impormasyon ay kailangan na nilang i-dismiss ito.

Gayunman, nilinaw din ni Remulla na puwede naman itong i-refile at tiniyak nitong hindi nila susukuan ang kaso. —sa panulat ni Ronnie Ramos

About The Author