dzme1530.ph

Kaso ng mala-trangkasong sakit sa bansa, bumaba —DOH

Bumaba ang kaso ng influenza-like illness (ILI) sa unang siyam at kalahating buwan ng taon, ayon sa Department of Health.

Sa datos ng DOH, simula Jan. 1 hanggang Sept. 14, 117,372 ang tinamaan ng ILI, na mas mababa ng 15% kumpara sa 137,980 na naitala sa kaparehong panahon noong 2023.

Kabuuang 126 ang nasawi bunsod ng ILI sa unang siyam at kalahating buwan ng 2024, na mas mababa kumpara sa 142 kumpara noong nakalipas na taon.

Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na bagaman positibong senyales ang pagbaba ng flu-like cases, dapat pa ring mag-ingat ang publiko at huwag maging kampante.

Pinaalalahanin din ng Kalihim ang publiko na ugaliin ang regular na paghuhugas ng kamay at magsuot ng face mask sa matatong lugar upang makaiwas sa mala-trangkasong sakit.

Makababawas din aniya sa panganib ng impeksyon tuwing flu season ang napapanahong pagpapabakuna. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author