Kinumpirma ng Pangasinan Provincial Veterinary Office (OPVET) ang mga kaso ng heat stroke sa poultry sa gitna ng nakapapasong init na nararanasang sa lalawigan at sa iba pang bahagi ng bansa.
Batay sa datos ng PAGASA, naitala ang pinakamataas na 51°C na heat index sa Pangasinan noong April 29, 2024.
Ayon kay Dr. Aracely Robeniol, officer-in-charge ng Pangasinan Veterinary Office, ilang mga manok ang bigla na lamang bumagsak at nangamatay bunsod ng napakatinding init ng panahon.
Aniya, exposed talaga sa sobrang init ang mga manok, at hindi na sila nabibigyan ng regular na inuming tubig ng mga backyard raiser.
Inabisuhan naman ang mga poultry farm owner na magpatupad ng preventive measures upang maiwasan na tumaas ang chicken mortality ngayong mainit ang panahon.
Tiniyak ng OPVET na may sapat pa ring supply ng manok sa merkado.