dzme1530.ph

Kaso ng diarrhea sa Mindoro, tumaas bunga ng kakulangan sa inuming tubig sa harap ng El Niño

Tumaas ang kaso ng diarrhea sa Mindoro dahil sa kakulangan sa malinis na inuming tubig sa harap ng nararanasang El Niño o matinding tagtuyot.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni Task Force El Niño Spokesperson at PCO Assistant Sec. Joey Villarama na naiulat ang mga kaso ng pagtatae sa Occidental Mindoro at sa Paluan Oriental Mindoro.

Gayunman, sa ngayon ay wala pa naman umanong naitatalang diarrhea outbreak ang Department of Health.

Kaugnay dito, tiniyak ni Villarama ang paghahanda para sa posibleng krisis sa tubig partikular dito sa Metro Manila kung saan may naka-antabay na 137 na deepwells sa San Juan City, Marikina City, at iba’t ibang bayan sa Rizal.

Magsisilbi ring backup ang package treatment plants na may access sa east at west concessionaires, na maglilinis ng waste-water na magagamit sakaling bumaba ang lebel ng tubig sa Angat dam.

About The Author