dzme1530.ph

Kaso ng dengue sa bansa, posible pang tumaas!

Posible pa ring sumirit ang kaso ng dengue sa bansa sa kabila ng mainit na panahon.

Ito ang binigyang diin ni Department of Health (DOH) Spokesperson Undersecretary Enrique Tayag.

Ayon sa health official, kapag tagtuyot kasi, karamihan sa mga tao ay nag-iigib ng tubig at iniimbak sa mga containers na nagiging breeding places ng mga lamok.

Sa latest Epidemic-Prone Disease Case Surveillance report ng DOH, pumalo na sa 72,333 ang naitalang kaso ng dengue mula January hanggang June 17, 2023.

14% na mas mataas sa 2022 record na 63,526.

Habang ang bilang ng mga nasawi ay umabot na sa halos 300.

Patuloy naman ang panawagan ng kagawaran sa publiko na mag-ingat laban sa mga sakit na dala ng lamok at tubig gaya na lamang ng cholera. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author