Mula Enero 1 hanggang Abril 15, pumalo na sa 729 ang kaso ng Dengue na nai-ulat sa Quezon City.
Base sa datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, tumaas ito ng 167.03 % o 465 dengue cases kumpara noong 2022.
Nakapagtala ang District 4 ang pinaka-mataas na kaso na umabot sa 166 cases at District 2 naman ang pinaka mababa na may 69 na kaso.
May isang naiulat na Dengue related deaths mula sa District 4.
Samantala, umabot na rin sa 15 ang naitalang kaso ng Leptospirosis mula Enero 1 hanggang Abril 15, 2023 .Mas mataas ng 3 o 25% sa dami ng kaso kumpara noong 2022. —sa ulat ni Jay De Castro