dzme1530.ph

Kaso laban sa pulis na sangkot sa pagkawala ng beauty pageant contestant, dinismis ng piskalya

Ibinasura ng piskalya ang kaso laban sa police official na sangkot sa pagkawala ng beauty pageant contestant na si Catherine Camilon.

Dinismis ng Regional prosecutor ang mga reklamong kidnapping at serious illegal detention na isinampa laban kay dating police major Allan de Castro at sa driver-bodyguard nito na si Jeffrey Magpantay.

Kakulangan umano ng ebidensya ang dahilan kaya ibinasura ng piskalya sa kaso.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na si de Castro ang huling kasama ni Camilon bago ito nawala.

About The Author