dzme1530.ph

Karapatan ng bansa sa WPS, nabigyang diin sa palagda sa kambal na batas sa Maritime Zones at Sea Lanes

Nanindigan ang mga senador na mabibigyang diin na sa nilagdaan Maritime Zones at Archipelagic Sea Lane Laws ang legal at territorial claim ng bansa West Philippine Sea.

Ayon kay Senate President Francis Escudero, ito ang domestic law magmamandato sa mga executive officials na panindigan ang 2016 arbitral ruling pabor sa Pilipinas.

Sinabi ni Escudero na sa paggiit sa ating karapatan sa karagatan at himpapawid ay matitiyak ang paninindigan natin na ang ating teritoryo ay para sa kapakinabangan ng mga Pilipino.

Sinabi naman ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na bukod sa integridad ng teritoryo ng Pilipinas, pinahahalagahan din sa mga batas ang mga obligasyon at karapatan ng bansa sa lahat ng nasasakupang maritime zones nito, kabilang ang West Philippine Sea.

Sa panig naman ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, iginiit din ang pangangailangang magtatag ng tanggapan ng gobyerno na nakatutuok sa ating national interests sa West Philippine Sea.

Kinatigan din ni Sen. Risa Hontiveros ang pagtatayo ng Center for WPS Studies sa paggiit na habang lumalalim ang pag-aaral sa ating teritoryo ay mas mapoprotektahan at madidipensahan natin ito.

Kumpiyansa naman si Sen. Sherwin Gatchalian na makakatulong ang mga batas na ito para sa mas maayos na pakikipag-ugnayan sa ibang bansa na lalo pang magpapasigla ng paglago ng ekonomiya sa rehiyon. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author