dzme1530.ph

Karamihan sa natitirang mahigit 1,100 guerilla fighters, ipinagpaliban ang pagsuko dahil sa 2025 elections ayon sa AFP chief

Nais nang sumuko ng karamihan sa nalalabing mahigit 1,100 guerilla fighters sa bansa, ngunit ipinagpaliban nila ito para sa paparating na 2025 elections.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., sinabi sa kanila ng mga nakausap nilang rebel returnees na ide-delay ng kanilang mga aktibong kasamahan ang pagsuko para sa Halalan sa susunod na taon.

Ito ay upang makapangolekta sila ng pera sa permit to campaign at permit to win scheme.

Kaugnay dito, hinikayat ni Brawner ang mga kandidato na huwag magbayad sa anumang permit na manggagaling sa New People’s Army o mga nagpapanggap na miyembro ng NPA.

Sa ngayon umano ay mayroon na lamang apat na natitirang mahihinang guerilla fronts, dalawa ay nasa Cordillera, ang Komiteng Larangan Gerilya (KLG) 1 sa Bicol Region, at Central Front sa Negros Occidental, at target nang mapulbos ang mga ito bago matapos ang taon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author