Nagpahayag ng pagkabahala si Sen. Sherwin Gatchalian sa panibagong kaso ng karahasan sa paaralan matapos ang pananaksak sa isang Grade 8 student sa loob ng Moonwalk National High School sa Parañaque.
Sinabi ni Gatchalian na hindi dapat hayaang maging normal ang karahasan sa mga paaralan.
Pinuri naman ng senador ang mabilis na aksyon ng mga awtoridad sa pagdakip sa suspek at ang agarang pag-turnover nito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Gayunpaman, iginiit niyang kailangang makamit ang hustisya para sa biktima at kanyang pamilya.
Nanawagan din ang senador sa mga paaralan na palakasin ang kanilang seguridad upang maiwasan ang ganitong mga insidente.
Kasabay nito, hinimok niya ang mga magulang na maging mas aktibo sa pagtuturo ng disiplina sa kanilang mga anak upang mapigilan ang karahasan.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang ugat nito at mapanagot ang mga responsable.